Mag- aalas singko na pala ng hapon. The traffic started to build up. Ayoko na namang malate sa trabaho. Nakakahiya sa mga tauhan ko!
Ako
si Randy. 26. I am currently working in a BPO company within
Eastwood city. Mahirap ang trabaho sa call center,at kung akala ng iba na kapag
marunong kang mag Ingles pasok ka na agad, nya, It's more than just speaking
the English language. It requires alot of patience, determination, and guts.
I
have been working in this industry for 6 years now. And i must say that i have
been into sort of topsy-turvy rides. Bread winner ako at the same time
nag-aaral. And who would have thought that I was able to survive all those.
"Excuse
me?" bigla akong natauhan mula sa isang malalim na pag iisip. Tinig iyon
ng isang lalake buhat sa aking likuran. "Pausog naman dun pre."
Umusog
ako na hindi manlang siya nilingon. Siksikan ang bus, at lalong siksikan ang
kahabaan ng Shaw Boulevard. Bakit pa kasi ako natulog sa kaibigan ko.
Dinukot
ko ang headset mula sa aking bulsa. At sabay nagsimulang patugtugin ang
paborito kong kanta.
"What
if I took my time to love you?
What
if I put no one above you?
What if I did the things
That
really mattered?
What
if I ran through
Hoops
of disaster?"
Napabuntong
hininga ako. What if I did the things that really mattered. Bigla kong naalala
si Brian. What if hindi kami naghiwalay?
"Sinong
bababa sa IPI kilos kilos na dali." Sigaw ng konduktor.
"Para."
sambit ko at dali daling lumabas. Sobrang siksikan talaga. Tagaktak na pawis
ko.
Buti
nalang at maluwag ang traffic sa may E. Rod. Salamat at hindi ako malelate.
Sambit ko sa aking sarili.
Ilang
minuto lang narating ko na ang Eastwood. Nakakapagod talagang magcommute, sa
isip isip ko.
"Sir,
ID po." sabi ng guard.
"Wait
lang chief, nasa bulsa eh." sabay ngiti dito.Pag minalas naman oo.
"Tsk, chief naiwan ko ata sa bahay. Pwede temporary ID hingi ako?"
"Walang
problema yun sir, pero tawag ka muna ng kakilala mo sa loob para pumirma dito
sa logbook."
"Ok,
sige wait a sec. Tatawagan ko muna ahente ko."
"Excuse
me?" hindi ko pinansin ang boses sa aking likuran."Boss, nahulog po
ID nyo sa bus. Heto po."
Dahil
sa aking narinig agad kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Moreno.
Maganda ang hubog ng katawan, halatang adik sa pag- gi-gym pero hindi yung
tipong sobrang laki. Makapal ang kilay, mapupungay na mata, medyo may
katangusan ang ilong at mga nasa 5'8 yata.
"Randy
Ortega?"
"Yes,
ako nga iyon. Tsong salamat talaga. Sobra kasing siksikan sa bus kanina at di
ko namalayan nalaglag pala to." sabay abot sa aking ID.
"Walang
problema yun. Hahabulin sana kita kanina pero di agad ako nakababa."
"Hmmm...
anong oras ba pasok mo?"
"Mamaya
pa ho alas-9"
"Ok,
cge. wait for me here. Aakyat lang ako at titignan ko mga ahente ko tapos
bababa nako, Treat kita.Pasasalamat."
"Naku,
huwag na ho."
"I
insist. Just give me 10 minutes."
Hindi
ko na hinintay yung sagot niya. Umakyat na ako sa 6th floor. Habang nasa
elevator, bigla akong napangiti. May hitsura yung lalakeng yun. At buti talaga
naabutan nya ako.
Walang
my alam sa tunay kong sekswalidad sa opisina. Ang alam nila, barakong barako
ako. OO nga naman. Sino ba naman ang magdududa sa akin. Nagkaroon na ako ng 5
girlfriends sa loob lang ng halos dalawang taon sa kompanya. Kamuntikan ko na
ngang mabuntis ang huli kong naging girlfriend.
Hindi
ako katangkaran sa taas na 5'7. May pagka adik din ako sa gym. Afro-inspired na
buhok at katamtaman lang ang kulay. Medyo my hitsura din naman siguro ako kahit
konti. Hehe. Biro lang. Hindi ko alam, yun ang sabi nila. Bahala na sila. Ika
nga nila- nasa mata lang ng tumitingin ang kagwapuhan at kagandahan.
Natagalan
ako bago bumaba. Pano kasi, may isang ahente na pasaway at hindi nag log in on
time kasi my kausap pa sa telepono. Ayun, nabigyan ng Incident report.
"Pasensya
na tsong at natagalan ako. Teka anong oras naba." Tinignan ko ang relo ko,
ok pa, mag aalas-7 pa naman.
"San
mo gusto kumain?"
"Naku
sir, kahit saan nalang ho pero, parang busog pa po ako eh."
"Hmmm,
ganun ba, oh sige dun nalang tayo sa Dairy Queen"
"Salamat
nga ulit dito sa ID..."
"Bryle
po sir. Bryle Ortega."
"We're
sharing the same surname huh?" Bigla kaming napatawa.
Bryle
Ortega.28, and working as a Sales Coach sa isang Contact Center sa
Eastwood.
Habang
nagpapakilala si Bryle, hindi ko maiwasang titigan ito. Ang amo ng mukha. At
lumalabas lalo ang kagwapuhan kapag ngumingiti.
"Oh
pano, mukhang malapit ng mag alas-9 ah." Hindi namin namalayan na higit
sang oras na pala kaming nag uusap. Baka hanapin ka na ng Manager mo
Bryle.
OO
nga eh, heheh. nag enjoy kasi ako sa usapan natin.
"Oh
pano yan, kita kits tsong." Naghahanap ako ng bwelo para makuha yung
contact # nya, pero parang umurong yung dila ko. Takte! Hindi naman ako ganito.
Naghiwalay
kami na hindi ko man lang nakuha ang number nito. Sayang naman.
Kinabukasan,
araw ng Sabado.Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng ringtone ko.Sino kaya ang
tumatawag sa akin, ang aga-aga mag aalas 9 palang ah.
"Hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya. Hello? Who's this?
"Randy!"
isang malungkot na boses ang aking narinig. "Brian? ikaw to? Umiiyak
kaba?"
"Can
we talk Randz?" Biglang nawala ang aking antok. OO nga si Brian, at
umiiyak.
"My
problema ba? I thought everything was clear? Nasaan ka ngayon? Sige pumunta ka
dito sa bahay. I am on Rest Day."
Ilang
oras pa ang nakalipas, dumating na din si Brian. May dalang Halo-halo. Alam
talaga ng mokong na to kung papano ako suyuin.
"
Oh, anyare sayo?" kaswal kong tanong.
"Heto
namimiss ka." Napabuntong hininga ako. Bry, akala ko ba klaro na sa atin
na wala na tayo?. Biglang nagilid ang luha ng mokong. Tsk, ayoko ng may umiiyak
sa harap ko.
"Heto
halo-halo" sambit nito at pilit nilalabanan ang pag-iyak. Nakaramdam ako
ng awa bigla. OO mahal ko pa si Brian. Pero mahirap na. Natatakot na ako. Kung
anong tigas ko sa oipisina, ganun kalambot ang puso ko pagdating sa kanya.
Brian Manalac. 26. Siya yung ex ko. Kakahiwalay lang namin, 3 months ago. Heto, hindi parin maka move on. Ewan ko ba. Kasalanan din naman nya kung bakit kami nagkahiwalay. Siya ay isang Barista sa isang cofee shop sa Eastwood. Kayumanggi din pero
makinis. Maganda ang pangangatawan. Kahit na mukhang dugyot ito ngayon,
lumalabas parin ang kagwapuhan at yung malalim na dimple sa kanang pisngi na
lalong dumadagdag sa appeal nito. Isa ding tong discreet. Chickboy nga rin ito
sa tinatrabahuan nya. Biro ko nga, pwede ka nga talaga sa Chiks pati sa
boy.
Sa
gwapo ng mokong na to, sinong mag-aakala na NGSB ito (No Girlfriend Since
Birth). Pero sa kabila ng NGSB nito, wala ni sino mang nagduda sa kasarian
nito. Ang galing ng mokong magtago sa closeta.
"Bry,
halika nga rito. Huwag ka ng umiyak please? Ayoko ng nakikita kang umiiyak.
Nasasaktan ako."
"Randz,
tayo na ulit please?. Promise magbabago na ako. Hindi ko na gagawin yun.
Promise.Pag ginawa ko pa yun, ako na mismo lalayo sa'yo."
Ako'y
napabuntong hininga. Bigla kong naalala ang isang linya sa paborito kong kanta
na What about love "What if I did the things That really mattered?"
What
if ipinaglaban ko ang aking pagmamahal? What if tiniis ko ang aking
nararamdaman alang ala kay Brian?
Hindi
ko namalayan na titig na titig na pala ako kay Brian. Nangingilid na naman ang
luha nito.
"Whew!...
OO na... sige na... wag ka na umiyak.Tayo na ulit. Pero ito lang ipromise mo,
wag na wag mo ng uulitin yun? Mahal kita Brian alam mo yun. Kahit na sinasabi ng
isip ko na tama na at masasaktan lang din ako ulit, iba naman ang sinasabi ng
puso ko.
"
Ilove you Randz. I love you very much."
"I
love you too Bry."
Lumipas
ang maraming araw. Si Brian ay lalong naging sweet. Halos araw araw din ay nasa
bahay nagluluto, naglilinis, naglalaba.
"Hoy
Brian Manalac, tumigil ka na nga. Baka akalain nila ginagawa na kitang alila
dito."
"Sino
may sabi kulot ko?" Kulot ang laging tawag ng mokong sa akin.
"Si
Anna sa kabilang kanto, si aling edad sa kabilang sitio, si arnold sa parlor at
si Ineng na tagahilot" Bigla akong napatawa.
"Baliw
kulot!"
Diyan
ka na nga at ako'y papasok na. Baka malate ako. May pagkain sa ref Bry, initin
mo nalang. Baka malelate din ako ng uwi maya may tatapusin pa ako dun sa deck
na ginagawa ko. Alam mo namang magaling tong jowa mo at ako pinapa attend ng
Business review with the executives.
"Yabang!
Umalis ka na nga! I love you Kulot!" sabay halik.
"I
love you too Bry. Si Brian na NGSB, si Brian na certified Closet queen!"
"Tahimik!
Kulot. Layas na"
Ganito
kami ni Brian. Asaran, sigawan. Normal na sa amin yun. Kaya nga agad syang
napamahal sa akin kasi kahit na ganyan yan, mabait at napakalambing. Wala na
ngang tinatago sa akin yan. Noong una, di ko lubos maisip na aabot kami ng
tatlong taon. Parehas kasi kaming demanding ang pag uugali. Hindi nagpapatalo.
Pero minsan din pala, my mga bagay bagay tayong nagagawa dahil sa pagmamahal.
"Mr.
Ortega!" Sigaw mula sa aking likuran. "Go to my office!"
Bigla
akong napamura sa loob loob ko. " Anu na naman ang pinagpuputok ng botse
ng taong to!"
"Ano
tong naririnig ko na complaints ng mga babae mong ahente?"
"Boss?"
"OO.
I need an explanation"
"Takte
naman oh!" sa loob loob ko. Eh boss, isa lang naman ang babae kong ahente
lahat puro barako na. Si Aira ba to? Ano daw ho ba ang complaint o mga
compliants nya?"
"Hindi
ka raw fair! As a manager dapat wala kang pinapanigan!"
"Boss
naman, you know Aira. At alam mo rin kung anong nangyari sa amin! Gusto ko na
ngang ilipat yan sa ibang team eh. Pasaway. Hindi pa ta naka move on."
"
Anong sabi mo?"
"Ah
wala boss, sabi ko hindi pa ata naka- naka move on nung pinagalitan ko dahil
hindi agad nag auto in."
Yan
si Boss Greg. 30. May hitsura pero dakdakan ng sungit. Kung pwede nga lang
magladlad gagawin ko dahil ang lakas talaga ng appeal nito. Kaso straight baka
masibak ako ng di oras.
Pero
my mga pagkakataon na nagkakaroon ako ng kaunting duda kay Boss Greg. Paminsan
kasi nahuhuli ko syang sumusulyap sa akin. Muntik ko na ngang mabiro na kung
napopogian ba sya sa akin. Pero naunahan lang ako ng hiya.
Isang
araw, pinapasok nya ako dahil my ipapagawa daw siya sa akin. Magaling si Boss
Greg. Hanga ako sa Management at Leadership skills nya. Kahit masungit anduun
parin yung respeto mo sa kanya
"Ortega!"
"Boss?"
"Ano
magandang iregalo?"
"Para
san po ba boss?"
"Basta,
para sayo anong magandang iregalo?"
"Depende
yun boss, kung babae o lalake ang bibigyan nyo? Anong okasyon ho ba?"
"Parang
Thanksgiving lang."
"I
see... hmmm... kung girlfriend yan boss, magbakasyon kayo. at para marelax ka
din pati sya."
"Eh
kung lalake?"
"Boss
naman, bigla akong napangiti. Wag nyo naman akong bigyan ng dahilan
magduda?"
"Ulol
ka Ortega!"
"Boss
bigla akong kinabahan eh." Sa totoo lang, kinabahan talaga ako. Kinabahan
to know the fact na game din pala tong si Boss. baka.
"Kung
lalake naman ho, para sa akin kung ako yun" bigla akong napangiti s aloob
loob ko. Kung ako yun game na ako sa inuman at buffet. at kasama date na chika
babes"
"Loko
ka talaga Ortega. Di mo talaga pinapalampas ang mga babae, Kahit na tulog ka
ata eh, babe parin sa utak mo.
Bigla
akong natawa. Sobra ka boss, oo nanaginip ako ng babae pero once in a blue
moon. Lahat yun lalake. At minsan nga napasama ka pa sa aking panaginip, sa
loob loob ko.
"
O siya, tapusin mo na yan"
"Sige
boss, walang problema. Ako pa." sabay thumps up!
"Aantayin
kita sa kotse. Siguro naman hindi ka aabutin diyan ng 30 minutes?"
"Kotse
nyo boss?"
"Oo.
Bingi ka ba Ortega?"
"Bakit
ho my papagawa kayo sa akin?"
"Hindi
samahan mo akong uminom at kumain. Pero walang babae.Umandar na naman pag ka
maniac mo!"
Bigla
akong nagtaka. Si Boss Greg? iniinvite ako lumabas? Kumain? Uminom? Lalo na
tuloy akong nagdududa sa Boss ko na to.
"Hoy!
ano ba. Tutulala ka nalang ba?"
Dumiretso
kami ni Boss Greg sa The Fort. Pagkatapos naming kumain, nag inuman kami.
"Boss,
salamat sa treat ha."
"Okay
lang yun, regalo ko to sayo for a job well done! Kayang kaya mo ng lumevel up!
I am so proud of you. Ikaw palang yung Manager na nakatiis ng ugali ko. Lahat
umurong!"
"Okay
naman kayo boss ah. kahit na sobrang sungit mo at hirap ispelingin araw araw.
Hindi ko alam kung saan ka pinaglihi."
"Ulol
ka Ortega! Alam mo sa lahat ng mga managers ikaw lang ang my lakas ng loob ng
magsabi sa akin ng ganyan. Lahat bahag ang buntot!"
"Talaga
boss? yaan mo aaraw arawin ko to. at sisguraduhin kong mamimiss mo yun!"
"Ulol
ka Ortega!"
"Boss,
banyo muna ako ah. najijingle ako eh."
Isang
tango lang ang binigay ni Boss Greg. Mukhang tinamaan nato ng alak. Lalo ng
pumupungay ang mga mata nito.
Ng palabas na ako ng banyo, nabigla ako sa aking nakita.
"Uy randz!'
"Tsong, andito ka pala? Sino kasama mo?"
"Ako lang, pauwi na din ako."
"Randz, nga pala. Mag-aaply ako sa company nyo, pwede ba
kitang gawing character reference?" Wow good news, pag natanggap si Bryle
eh magkakasama na kami. Dami ko ng magiging crush sa opisina. Baka hindi na ako
magresign.
Habang nag-uusap kami ni Bryle, hindi ko alam na nakatingin pala
si Boss Greg sa amin.
"Sino yun Ortega?"
"Ah kaibigan ko boss, si Bryle, ginagawa akong character
reference. Mag-aaply daw sa atin."
"Ah-k." tipid nitong sagot.
"Boss, lasing na kayo ah. Di ko pa naman alam bahay
nyo."
Si Boss Greg ay mag aanim na buwan palang sa kompanya. at pang
anim na rin ata akong POC nya sa aming account.
"Ako lasing? Ulol ka Ortega! Hindi ako lasing at di ako
bashta bashta llashing..."
"Yan ang di lasing, nagiging slang na!"
Mag- aala una na ng umaga ng magdesisyon kaming umuwi. Medyo kaya
pa naman ni Boss magmaneho. Agad kong tinext si Brian "Bry, pauwi na ako,
hahatid ko lang tong boss ko na masungit. sobrang lasing"
"Ingat kulot! Baka patusin mo yang boss mo ha? Masasaktan
ako."
Biglang my kong anong kirot akong naramdaman. OO mahal ko si Brian
Pero di gaya ng dati. Dati na ang buong mundo koy umiikot lang sa kanya.
"Baliw ka Manalac!" Ano ba yan, nagagaya ko na si Boss
Greg na puro last name ang nasasambit. Parang high school lang.
Kinaya nga talaga ni Boss Greg ang magmaneho kahit lasing na.
Pumasok kami sa isang subdivision sa Makati. Ang laki ng bahay nila. Ang gara
at mamahalin amg mga gamit. May 3 pang kotse na nakagarahe lang.
"Ortega, pasok ka muna at ng makapag kape ka! Manang- tawag
nito sa kanilang katulong. Pagtimpla mo naman tong si Sir Randy mo ng kape para
mahimasmasan bago umuwi.
"Boss, loko di ako lasing. Ikaw lang ang lasing!"
"Shhhh,... tahimik ka Ortega. Sige na manang."
Malambing naman pala tong si Boss Greg. Nakita ko sa isang sulok
ang isang litrato ng babae na may katabing dalawang batang lalake. Ang ganda ng
babae at cute ng dalawang bata.
"Ortega" bigla akong natingin kay Boss Greg.
"Si Jasmine at kambal ko!"
"Ah ang ganda at gugwapo nila boss. Nasan sila baka
nakakaistorbo ako."
Biglang lumungkot ang mga mata ni Boss Greg.
"They're gone! They left me." Dahan dahan nangilid
ang luha nito. First time kong makita na ganito kaemosyonal si Boss Greg.
" Okay lang yan boss, uuwi din sila pag nataon."
"No Ortega! They left me already. They're dead." At di
na nga napigilan ni Boss Greg na tumulo ang kanyang mga luha."
Hindi ko alam ang aking gagawin. Ako'y nataranta. " Boss,
sorry i don't mean to.."
"It's fine Ortega. Manang, asikasuhin mo na tong si sir randy
mo at bibihis lang ako. Dahan dahang pumanhik paitaas si Boss Greg ng bigla
itong mawalan ng balanse. Patakbo naming tinungo ni Manang ang kanyang
binagsakan. Manang ako na ho, turo nyo nalang san ang kwarto ni Boss."
Giniya kami ni Manang sa bandang duluhan, may higit limang kwarto
din kaming dinaanan. Pagpasok namin sa kwarto, napahanga ako sa ganda nito.
Kung gaano kagaling at kaayos sa Boss sa pagiging Manager at Leader, ganun din
kaayos ang kwarto nito.
"Sir, iwanan ko na ho kayo, ok lang ba? my gagawin pa ho ako
sa baba. pag nagising si sir, sya na ho kusang magbibihis."
"Ok manang"
Biglang nagsara ang pinto. Si Boss Greg ay gising pa pala. Agad
itong naghubad ng long sleeve. Ngayon ko lang nakita si Boss na nakahubad. Ang
ganda ng katawan nito.Bigla akong napalunok.
"Ortega, bat ka natulala?'
Nahuli ako, patay! " Wala boss, ang ganda ng kwarto mo"
First time kung nakitang ngumiti si Boss Greg pagkatapos kong
masambit yun. Hindi ko alam. Parang my mali. Parang my iba.
"Akala ko long sleeves lang nya ang kanyang huhubarin.
Nabigla ako ng sunod nyang ibaba ang kanyang suot na jeans. Kulay puting bikini brief ang suot suot nito. Bigla akong naasiwa. At di ko malaman kung anong susunod na gagawin.
"Ah boss, my kukunin lang ako sa baba, I mean kay
Manang"
Napangiti ulit si Boss Greg. Hindi ko mawari kung anong ibig
sabihin ng ngiting iyon. (Itutuloy)
Chapter 2-Si Brian at ang Sticky Notes
Chapter 2-Si Brian at ang Sticky Notes
No comments:
Post a Comment