Wednesday, June 4, 2014

Chapter 2- Si Brian at ang Sticky Notes





Mag- aalas tres na ng umaga ng akoĆ½ makauwi ng bahay. Di pa pala natutulog si Brian. "Bry? oh bat di ka pa tulog?"

"Eto, inaantay ka. Ba't ang tagal mo?" maktol nito
"Hay naku, si Boss kasi nalasing. Hinatid ko pa sa kanila sa Makati."
"Anong ginawa niyo ng boss mo?Lalake ba yun? Straight? Bi? Bakla?Babae? ano?"
"Hoy, mokong ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Sagutin mo ang tanong ko Randz!"gigil na sabi ni Brian.
"Ewan ko sayo Brian. Eh ano ngayon kung lalake, straight, bi, bakla, babae ang boss ko? Tingin mo nagsex kami? Wag mo akong igaya sa sarili mo Manalac!"
"Ah oo nga pala kasalanan ko lahat, galing no? Hindi mo ba manlang natanong sa sarili mo kung bakit ko yun nagawa?"

Isang buntong-hininga lang ang tanging nasagot ko.

"Isang Mocha Frap Venti"
"May i have your name sir?"
"My name is Free!"
"Wow nice name sir! Dun nyo nalang po antayin order nyo sir!"sabay turo sa kaliwang parte ng shop.
"Mocha Frap Venti for Free!"
Nagtinginan ang mga tao. "Ah Ms, that's mine! Sorry, naaliw kasi ako dun sa cashier nyo."sabay turo ko sa lalaking nasa kanan nakatayo.
Napangiti  bigla ang babae. "Ah sir si Brian ho yan, ganun talaga yan. Lageng my wide white smile sa lahat ng mga pumapasok"

Agad akong humanap ng bakanteng mauupuan. Sa my dulo at medyo tago ako nakahanap ng pwesto. I spent more or less an hour sipping my favorite frap.Bigla kung naalala yung cashier na si Brian. Nakonsensya din ako kasi parang pinaglaruan ko sya by giving that name. Naisipan kong mag iwan ng sticky note at idinikit ko iyon sa plastic cup ng iniinom ko. 

"Brian right? Sorry for what happened :) - Randy" 
Agad din akong umalis  kasi my hahabulin pa akong meeting. Kinagabihan, naisip kong bumalik ulit sa naturang cofee shop. Napadami ata yung nainom ko kanina with my colleagues. 
"Ms. isang Mocha Frap Venti.My name is Randy."agad akong napangiti. Halos sabay ding ngumiti yung babae. "So you are no longer Free sir?"

"I am still free."sabay kindat dito. Di ko alam at bakit mas napangiti pa lalo yung babae. "Mocha Frap Venti for Randy"
Agad kung inabot ang aking order. Si Brian pala ang gumawa nito. Naghanap ulit ako ng bakanteng maupuan. Ng makahanap na, bigla kong napansin na my isang dilaw na sticky note na naka dikit sa ilalim ng aking iniinom.

"You got me there earlier! Kulit mo sir Randy!" Bigla akong napangiti. Ang mokong nagreply pa. Di ko namalayan na tinitignan pala ako ni Brian. Agad akong namula. I know i was blushing. Takte naman to oh. Tinignan ko si Brian at isang white wide smile nga ang binigay nya. Gago talaga to, ang gwapo ng taong to. Maganda ang katawan at makinis pa.

"So, why are you smiling Mr. Ortega?"
" Wala, my napagtripan lang ako sa baba kahapon."
"Another chick victim! Hay naku Randy, kelan ka pa titino? Wag mo kaming paglaruang mga babae?"
Yan si Debbie, feeling girlfriend. Sya ang tanging nakakasundo ko sa opisina. Pero walang alam din sa tunay kong pagkatao. "Anung pinaglalaruan? I love girls. I respect them!"
"Tse!"sabay alis nito
Bigla nalang akong napakamot ng ulo at napangiti.

Ang init ng panahon. Naisipan ko ulit na pumunta sa coffee shop kung san si Brian nagtatrabaho. Medyo tahimik ngayon ang lugar. Wala masyadong tao. 

I asked my usual order. Pero parang wala ata si Brian. Baka Day Off, sa loob loob ko. Tulad ng dati umupo ulit ako dun sa medyo tagong lugar na bahagi ng coffee shop. Ng makaupo na ako, nagulat ako dahil my nakadikit na sticky note sa mesa.
"I know you're going to choose this table. Enjoy your drinks sir Randy! :)"

Napangiti ako. Si Brian my pakana nito am sure. Kaya hinanap ko sya. Pero ang sabi nila kakauwi lang daw. Medyo nanghinayang din ako ng konti kasi hindi ko sya nakita ng araw na to. Kaya I decided to go home. Mga higit sampung hakbang mula sa coffee shop ng may biglang bomosena.

"Takte! ang lapad ng daan!"
Bigla kong nilingon na nakasalubong ang aking mga kilay. Si Brian pala.
"Sorry!" sabay ngiti ng mokong. "Nagulat ba kita sir?"
Imnid mainis, tila hinaplos nito ang aking puso. Nawala agad ang inis ko at napalitan ng kasiyahan.
"Oo Brian. At hindi ko alam bat bigla kang nagbosena diyan. Akala ko umuwi kana?"
"Uy hinanap mo ako sa coffee shop? Kinilig naman ako dun!"
"Ulol ka Brian!"
"San ba ang uwi mo sir Randy? Gusto mo sumabay kana?"
Naisip kong sakto ang dating ni Brian. Hindi ko kasi dala yung kotse ko dahil pinaayos ko pa yung aircon nito.
"Diyan lang ako sa Lifehomes malapit."
"Parehas pala tayo ng way sir Randy. Halika na." "Ok sige"
"Huwag ka naman diyan sa likod sir Randy, magmumukha akong driver mo. Dito ka na sa harap."

Agad akong lumipat sa harap. Ang kwela ni Brian. Makwento at laging ngumingiti. Parang walang problema. Ang isa pang kinaaaliw ko sa kanya ay ang pagiging sobrang discreet nya. Wala ni sino man ang magdududa na siya pala ay isang bakla.

"Alam mo sir Randy. Naaliw ako sayo nung nakaraang araw. Kulit mo talaga."
"Sir ka ng sir diyan hindi ako titser Brian." sabay tawa. "Tawagin mo na akong Randy"
"Okay Randy nalang kung yan gusto mo. Pero parang ayoko. Parang gusto kitang tawaging Sir Kulot!"bulaslas nito.

"Loko ka talaga Brian"
"Ganda kasi ng pagkaka afro nyo sir. i mean Sir kulot. at ang gwapo niyo." Alam ko sa sarili ko na namula ako bigla sa sinabi ni Brian. 
"Sir?"biglang sumeryoso ang mukha ni Brian. "Pwede ba kitang ligawan?"
Bigla akong napangiti. "Loko ka Brian, lalake magliligawan?"
"Sus kunyare ka pa kulot! Halata namang type mo ako!"
"Wow ha! Ang lakas ng hangin sa kotse mo Brian!"
"Eh hindi ba totoo?"
Tanging isang malagkit na titig lang aking ang nagawa sabay impit na ngiti.
"So pwede, pala! Thanks Kulot"

Chapter 3- Ako at ang Diploma            Chapter 1- Si Bryle, Si Brian, Si Boss Greg, at ang ID

No comments:

Post a Comment