Friday, June 6, 2014

Chapter 3- Ako at ang Diploma




Tanghali na ng ako'y magising. Napagpasyahan kong pumunta ng mall para dun na lang kumain. Nakakapagod magluto. Namimiss ko tuloy yung mga luto nila mama sa probinsya. Iba talaga ang buhay pag nagsosolo ka. 
Palabas na ako ng bahay ng bigla kong makasalubong si Brian, may dala dalang supot.
"Hey, where are you going dude?"
"Mall Bry. Dun na ako kakain, ano sama ka?"
"Sa mall ka kakain? bumili pa naman ako ng lulutuin. Gusto kong magluto tayo diyan sa bahay mo."
"Hmmm...oh sya sige na nga. ano ba yang dala mo?"
"Heto gusto kong magluto ng paborito mong chicken prok adobo, adobong pusit, at ginisang sardinas na my upo."
"Wow ha, puro mamantika. Pero game ako diyan. Mga paborito ko kaya yan."

Napakalambing talaga nitong si Brian. Oo naaliw ako sa kanya noong una kaming magkita. Napakasimpatiko ng taong to. At sa halos dalawang buwan naming pagsasama, unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya.
"Sir Kulot bat ka napatulala diyan?"
"Wala Bry, may iniiisip lang ako."
"Hmmm, let me guess. Naiinlove ka na sa akin no?"
"Loko- Hindi ah."
Biglang lumungkot ang mukha ni Brian pero daglian lang dahil iniba na nya ang usapan. Hindi pwedeng maging kami ni Brian. Hindi pwede. Ayokong lokohin sya. 
"Sir Kulot, bakit ba ayaw mong maging tayo? Ramdam ko naman na my gusto ka sa akin ah. Hindi ako magkakalakas ng loob na ligawan ka at mag eefort kung alam ko dito sa puso ko na wala akong pag-asa sa iyo."
Hindi ko masabi sabi kay Brian ang tunay na dahilan. Natatakot ako na baka lumayo sya. Ngayon palang, alam kong pag nawala sya mamimiss ko sya. Kontento na ako sa ganitong set up.
"Hoy, sumagot ka naman diyan. Di puro buntong hininga ka lang. Ano ba Randz? Halos magdadalawang buwan na tayong nagsasama hindi ko alam kong ano ako sa buhay mo. Alam mo bang nababaliw na ako minsan pag hindi kita nakakausap o nakakatxt? Alam mo bang..."
Biglang pinutol ko ang pagsasalita ni Brian  ng isang mariing halik. Sa una, nabigla pa ito at di alam ang gagawin. Pero ngayon nagpapaubaya na sya sa aking ginagawang halik. Matagal tagal din ang halik na iyon. Tila bagang naidala kami nito sa alapaap.
"Sorry Bry. I mean..."
"No it's fine. I liked it.Bakit mo ako hinalikan Randz? Does that mean na tayo na?"
"Hindi ko alam Bry, ang tanging alam ko lang ay gusto  kitang makasama palagi. Ayoko kong nawawala ka sa aking paningin. Natatakot akong maging tayo. Kasi pag nataon, you will be my first at..."
"At ano Randz? Sa tingin mo ba hindi rin ako takot? See, i've never been into a relationship. Buti ka pa nga at my naging girlfriends ka in the past.Eh ako? NGSB at NBSB pa. Akala lang ng mga katrabaho ko eh sobra kong chikboy dahil kung makaasta ako parang madami ng karanasan. Eh sa tooo lang virgin  na pvirgin pa." patawang litanya nito.
"Seriously Bry, I have to confess one thing. Takot ako kasi my girlfriend ako ngayon. Her name is Jane."
Biglang natahimik si Brian. Hindi ito kumibo. Ang kaninang sobrang saya ng mukha pagkatapos kong halikan ay napawi ng lungkot. Napabuntong-hininga ito. "Tara Kulot kain na tayo."
Hindi na kailanman namin napag-usapan ang tungkol sa aking kasalukuyang Girlfriend. Ang alam ko lang, tinanggap ni Brian kung ano ang meron ako ngayon. At dahil doon, lubos akong nasisiyahan. Mas mahal ko sa Brian kaysa sa girlfriend ko, yung ang totoo. At alam ni Brian yun. Kaya nga kahit ganito ang aming set-up tanggap nya.
"I love you Kulot!"
"I love you too Bry. Akalain mo yun. Mag aanim na buwan na pala tayo."
"OO nga eh. at akalain mo yun natiis kong maging pangalawa sa buhay mo." tila my bahid na kalungkutan sa tinuran ni Brian.
"Bry, alam mo namang..."
"Oo Kulot, alam ko yun. di ko naman gagawin to. Di naman ako papayag kong hindi kita sobrang mahal. Alam mo yun."
"Salamat Bry, hayaan mo babawi ako sayo."
"Paano?"
"Basta, babawi ako sayo. Kahit ganito set up natin, hinding hindi kita iiwan promise yan."
"Kulot, ilang buwan o taon na kayo ni Jane?"

Ito ang pangalawang beses na pag uusapan namin ni Brian si Jane. Ang unang pag-uusap namin ay nung magdadalawang buwan palang kaming nagdedate.

"Mag iisang taon na din Bry. Ayoko kasing iwan si Jane kasi may pangako ako sa ninong at ninang ko na di ko sya iiwan. Magkababata kami sa probinsya at ng naluwas ako ng Maynila naihabilin nila ninong at ninang si Jane sa akin. Hindi ko nga lubos maisip na maging kami Bry. Oo mahal ko si Jane pero alam ko sa sarili ko na yung pagmamahal na yun ay hindi ganun katibay."
"Bakit mo kasi naipangako sa ninong at ninang mo yan?"
"Mahirap lang kami sa probinsya Bry. Alam mo yung dahil kina Ninong at Ninang nakapagtapos ako ng pag-aaral. Nagkaroon ako ng Diploma. At yung kabutihang iyon ay di kailanman pwedeng bayaran ng pera."
"Kaya ang pinagbabayad mo ngayon Randz ay ang pag-ibig mo? Ganun ba yun?" 
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Brian. Oo nga naman, tila ang pag-ibig ko ang ipinagbabayad ko sa lahat ng tulong nila ninong at ninang.
"Nasaan naba si Jane ngayon?"
"Nasa probinsya Bry, at kakagraduate lang. Balak ngang lumuwas ito ng Maynila para dito na maghanap ng trabaho. Gusto nga nila ninong na sa kompanya namin sya magtrabaho."
Agad kong napansin ang lungkot sa mga mata ni Brian.
"So kung nandito na sya, magsasama na kayo dito sa bahay?"
Hindi ko nasagot si Brian. At hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari yung kapag si Jane ay lumuwas na ng Maynila.
"Hindi ko alam Bry." tanging sagot ko.
"So paano na tayo nyan?" Isang mariing halik nalang ang tanging nasagot ko sa tanong ni Brian. Isang halik na nung una'y marahas.Hanggat sa naging banayad na ang bawat dampi ng aming mga labi.Bumaba pa ang mga halik na iyon. Pababa ng pababa hanggat sa marating namin ang isa't isa. Oo, pareho naming unang ginawa iyon sa tanang buhay namin. Ganoon pala yun. Sa una di kami magkamayaw kung ano ang tamang gagawin pero kalaunan natutuhan narin namin kung paano galugarin ang isa't isa. Sabay naming narating ang rurok ng kaligayahan ng mga sandaling iyon.

Ringgggg!!!Ringgggg!!!Ringgggg!!!Ringgggg!!!Ringgggg!!!
Sunod-sunod na tunog ng telepono ang nagpagising sa amin ni Brian. Mahimbing kaming nakatulog pagkatapos naming gawin ang aming unang pagniniig. 
"Takte! Bry, magbihis ka!"
"Bakit Kulot?"
"Andito sila Jane,Ninong at Ninang."
"What? hmmm...anong gagawin ko?" tila nataranta naring tanong ni Brian.
"Doon ka dumaan sa likod. Nasa harap na sila ng bahay. Bilisan mo pagbibihis! Bry bilisan mo!" sigaw ko kay Brian na siyang ikinagitla nito. "Sorry Bry, I I don't mean to..."
Nabanaag ko sa mukha ni Brian ang kalungkutan, pagtatanong, at dahan dahang nangilid ang mga luha nito.
"Bry, we'll talk later. Dalian mo na at sa likod ka dumaan."
Wala akong narinig mula kay Brian at tanging naalala ko lang sa mga sandaling iyon ay ang marahang pagsara ng pinto sa likod bahay.

"Nino, Ninang mano po! Akala ko po sa makalawa pa kayo luluwas?"
"OO nga eh pero itong si Jane ay excited ng makita ka." si Ninong.
"Hi Babe" si jane sabay halik sa aking labi.
"See? ganyan ka kamiss ni Jane. Kahit na andito kami sa harapan ninyo ay binigyan ka talaga ng halik." Si ninang naman.
"Mom, Dad, I think we are old enough. We are both on our 20's. Si Randy 21 at ako naman nasa 20 na." sabay irap ni Jane sa mga magulang.
"Oh sya sya. Randy"
"Ninong?"
"Tulungan mo si Jane na makahanap ng trabaho dito sa Maynila ha. Kung maari, sa kompanya niyo tulungan mo."
"Sige po ninong akong bahala sa kanya dito." sabay thumbs up. 
"Jane, magpakabait ka dito huwag mo bigyan ng problema tong si Randy ha. Oh sya aalis na kami Randy ha at hahabulin pa namin yung last trip ng bus paprobinsya. Hindi kami nagdala ng sasakyan ngayon. Gusto ng Ninang mo na ienjoy ang biyhae sa pamamagitan ng pagcommute. Ewan ko nga rito."
"Sige po ninong, ninang ingat kayo. Hatid ko na po kayo sa labas."

Sabay naming inihatid ni Jane sila Ninong at Ninang sa labas ng bahay. Bago pa kami nakapasok sa loob ng bahay, napansin ko si Brian na naka upo sa my waiting shed at nakatingin sa amin. Kahit sa malayuan, kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Alam kong nagingilid ang mga luha nito. At ang isiping iyon ang nagpakirot sa aking puso. Nangingilid narin ang aking mga luha. Napansin ito ni Jane. "Babe? anyare?" "Wala, am just happy" "I love you Babe." "I love you too" at hinalikan ako ni Jane sa labi. 

Kitang-kita ni Brian iyon. Ang kaninang nangingilid na mga luha ay sabay sabay na ngayong nagbagsakan. Tumalikod ito at dahan dahang naglakad palayo. Palayo hanggang sa ang tangi ko na lang nakikita ay gatuldok na Brian.

"I am sorry Bry. Babawi ako sa iyo.Babawi ako! Promise!" tangi kong nasambit sa loob loob ko.

(Itutuloy)

Chapter 2- Si Brian at ang Sticky Notes                                                            Chapter 4- Rebelasyon



8 comments:

  1. Haist kawawa naman so Brian.

    ReplyDelete
  2. Bitin! Next chapter please!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry po medyo nabusy lang sa work. on it na. thanks sa pagbabasa. really appreciate it :)

      Delete
  3. Ganda ng story. Based on true experiences ba to o mostly eh fiction lang?
    I can't wait for the next episode

    ReplyDelete
  4. Which is partly fictional? Character? Events?

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng kwento, ramdam ko bawat salita binitawan ng manunulat.

    ReplyDelete